risk?
“I’ve never thought of it like that. Even if it “really” is wrong, it’s fine as long as there’s happiness.”
“I’ve never thought of it like that. Even if it “really” is wrong, it’s fine as long as there’s happiness.”
syempre weird. wala namang ibang term pa para iexplain kung anong pakiramdam. basta nakita ko siya, nung mga oras na hindi ko siya iniisip. nung mga oras na hindi ko siya hinahanap. nakita ko siya nung mga panahon na wala siya sa utak ko. mga sandaling hindi ko inakalang mangyayari. nagulat ba ko? hindi e. natuwa ba ko? parang hindi rin. e natawa ba ko? lalong hindi. o baka dahil iba ang sitwasyon? kung sakaling naiba din naman, parang ganun pa rin…weird.
sasabihin ko na lang uli, siguro ganun nga talaga:
dumating na. hindi ku alam kung paano pero eto na ako. di dahil napagod, wala ng choice o sobrang sakit na pinili na lang tumigil. walang ibang rasong maisip. iyun na talaga. salamat, .
b: hello…
g: uyy..
b: yes mam?
g: (hindi nakasagot)
b: hello? mam…?
g: ma’am? hmmm…. sir… (name)?
b: yes po, mam?
g: ha? bakit mam?
b: bakit po, mam?
g: busy ka?
b: ….
g: sa bahay ka na ba?
b: yes po.
g: aahh..
b: bakit po ba?
g: tanong ku lang sana kung tuloy tayo mamaya?
(may sumingit kasama ni g… “hooo… busy daw”)
b: (tawa)
g: anu?
b: next time na lang po, mam.
g: ahh..ganun ba?
b: opo..
g: sabi mu kasi di ba?
b: hello? napuputol… hello?
g: napuputol?
b: hello, mam.
g: huh?
b: next time na lang po
g: okey, sigi next time na lang…
b: o sige po.. salamat po.
g: sige
(may nagsalita… “sinu yan?”)
b: sige po.
tapos.
ang ganda sana ng araw na ‘to. parang ayus na ang lahat sa paligid ko. matagal nang wala sa lugar ang kabinet sa harap ko. magulo talaga ang kama ko. ang mga libro nakakakalat sa ilalim ng higaan at siyempre, ang lapis at papel, abot pa rin ng mga kamay ko. parang wala namang bago. ganun pa rin mula ng araw na mabago ang pwesto ng mga ‘to. ewan ku lang talaga kung bakit parang may iba.
sanay naman ako na wala sa lugar ang kabinet, hindi ku na naman na kasi siya maayos. ang bigat kaya non. kung aalisin ku lang ang mga bagahe sa loob para gumaan. siguradong matagal, mahirap at kokonsumo pa ng oras. sa madali’t salita, hustle. ang gara lang naman kasi, bakit bigla akong nainis na wala siya sa lugar. kahit tanggap ko ng wala siya sa ayos, mahirap din palang balikan. na dati maayos talaga siya weh, dati nasa lugar siya. ngayon… kahit gustuhin kong ayusin, hindi na rin pedi.
maibalik ku man sa dati, may marka nang maiiwan sa pinanggilan nito.
ang pinakamagulong kama ko, hindi naman puro basura ‘to weh. maayos naman to, nasanay lang na minsan, may lukot na kumot na hindi matiklop. hindi maayos.
salamat na lang at heto, naisusulat pa rin ng lapis ang mga alaala sa papel. sa dami ng baggage, tumitinta pa rin ang nagpipilit na sumulat. malabo.
hindi naman to dapat na malungkot.
“The color black has always been synonymous with death and mourning. It is thus the color of sadness and farewell. So, many people consider black roses to symbolize bereavement, loss and mortality. Since black represents death, many interpret the black rose to mean vengeance that may lead to the death of a foe. The negative connotations here are far reaching, and make the black rose the least sought after among roses.”
…sana wetto na talaga yung huling blog ku na ipagkakalat ko na naman sa buong mundo na hindi ako masaya. Yung huling araw na magtatype ako sa keyword papunta sa blog na ‘to ng hindi na nanginginig yung mga daliri ko.. nanginginig kasi dapat sa sitwasyon na pinili ko dapat masaya ko. pero hindi weh. At ou, ang dami pa ding dahilan kung bakit walang ngiti. ang dami pa rin ngayong dinedeny itong sarili ko.. pero ang punto lang talaga may “kirot”… malungkot..masakit.. mahirap. Ang akala ng iba, kasi sinosolo ko. pero hindi yun. Minsan wala ring katuwang kaya lahat ng lungkot at sakit salo nitong maliit na pusong nasa loob ng maliit kong katawan. Bakit ko sinisigaw ngayon? may choice ba ko? Dahil kung walang dumadamay, na minsan dahil ayaw ko (ayaw kong maka-istorbo, ayaw kong malaman nila na malungkot ako dahil alam kong malulungkot sila na ikalulungkot ko na rin dahil nalulungkot sila at ayoko nun, ayaw kong malaman ng mga galit sakin dahil ikakatuwa nila) dahil di nila kaya, dahil sila dahilan. Ito nalang magagawa ko. i-sulat, i-iyak, i-tayp. at ikimkim tapos ngumiti. at sa susunod na may pagkakataon, i-susulat, i=iiyak, i-tatayp at i-kikimkim at kahit na hindi na ngumiti pa pagkatapos. paano ba humiling na sana minsan, kahit minsan lang, maging masaya ulet at maisigaw ulet lahat. kagaya ng pagsigaw sa dagat sa Bagac.
hanggang kelan ba hihinto sa pagtakbo ang araw para sa kin? sa tuwing gumigising ako palubog na siya..
kaya hindi na umestreyt itong buhok ku weh.
PS.
salamat sa maliit na espasyo sa http://blogs.www.friendster.com para maisigaw ang ilan sa mga bagay na hindi ko mailabas. hindi man tungkol sa pag-ibig ngayon e nabigyan pa rin ng pagkakataong umekstra.
kung computer lang siguradong ubos na oras mo… anu pa kaya kung magbasa ka ng libro. Salamat sa mga bagay na natutunan ko, salamat sa pagkatuto kung paano bumasa at sumulat… masasabi ko na tao nga ako… bukod pa sa nakakapag-isip ako na di gaya ng mga hayop(at marami pa ring mga pagkakaiba)
at ayun nga… hindi sapat ang hobby para maubos ang oras mo at maging “busy”… minsan mas madali na ‘yung uupo ka na lang sa rooftop, tapos titingin sa malawak na bukid kasama na rin ang pagsulyap sa lahat ng bubong sa buong subdivision…habang yung hangin, paulit-ulit ibabalik ang katawan mo kung saan ka niya huling nakita. at kung suswertehin, may libreng kalapati na manginginain ng meryenda mo kahit di mu naman pinapalakpakan para lumapit sa’yo. Sabi ko na nga ba, dapat talaga tinirador ko na lang ‘yun e… Naaawa lang ako sa mga batang may ari nun…–siyempre kunwari lang ‘yung awa.
un muna,
hindi ito senti mode… nagkukwento lang po.